Abante
Tuesday, September 15, 1998
Horacio Paredes
Deretsahan
Sana mas maraming mayayaman ang katulad ni Lucio Tan. Binigyan niya ang mga manggagawa ng Philippine Airlines ng 60,000 shares of stock. Sa ngayon, maaaring mababa lamang ang halaga nito sapagkat nalulugi ang kumpanya at bagsak ang lahat ng negosyo pati na rin ang airline industry. Ngunit, sa pagbabalik ng sigla ng ating ekonomiya at sa pagbabalik ng magandang takbo ng negosyo, ito ay magiging mahalaga. Milyones ang magiging pag-aari ng mga samahang manggagawa sa PAL.
Ang mga manggagawa rin ay magkakaroon rig tatIong upuan sa labinlimang board of directors ng PAL. Sa aking nalalaman, ngayon lamang ito nangyari sa larangan ng negosyo sa Pilipinas o baka sa Asya. Sa ibang mga bansa kagaya ng Germany, ganito ang kanilang patakaran; at, ang kapalit naman nito ay walang mga strike sa mga kumpanya kung saan ang mga manggagawa ay kasali sa pagpapatakbo ng kumpanya.
Ang isang hindi maganda sa kasalukuyang kalagayan sa mga manggagawa at ng kapitalista ay ang pagkawalang tiwala ng isa't isa. Kaya rin naman nagkakaganito ay ang maraming unyon ay napapasailalim sa mga maka-kaliwang mga samahan. Hindi na ang mga empleyado ng kumpanya ang nagpapasya kundi ang ibang mga tao. Dahil dito, kadalasan ay hindi na ang makakabuti sa mga empleyado ng kumpanya ang hinahanap ng mga ito kundi ang mas malawak na karapatan at kapangyarihan ng lahat ng manggagawa sa buong mundo.
Sa pangyayaring ganito sa PAL, lalo na't ito ay naumpisahan sa panahong bagsak ang ating ekonomiya, maraming mga kapitalista ang dapat na mag-isip kung dapat din ba ni nilang papasukin ang kanilang manggagawa sa management at sa Board of Directors? Ang masama lamang dito ay kung ang mga empleyadong inupo sa Board ay walang katapatang-loob sa kurnpanya. Ngunit, dahil sila naman ay nakaupo sa Board sa pamamagitan ng mga share of stocks na kanilang pag-aari bilang mga enipleyado malamang na kanila ring pangangalagaan ang kinabukasan ng kanilang kumpanya.
Napapansin ko na ang karaniwang Pinoy ay madalas na malaki ang pagdududa sa mga mayayaman. Para bang dahil sa mayaman ang isang tao ito'y pinaghihinalaan agad na mayroong kasamaan. Kaya tuloy kung mayroong manggagawa o rnagsasaka na nagrereklamo laban sa isang negosyante o may-ari ng lupain, ang ating madalas na pinapanigan ay ang mas mahirap kahit na ito ay wala sa lugar.
Ngunit, kung mas marami sana sa mga mayayaman ang katulad ni Lucio Tan, baka magbago ang ating pag-iisip, hindi ba?@
No comments:
Post a Comment