Saturday, September 26, 1998

P100-M Libel vs ALPAP

Taliba
Saturday, September 26,1998

NAGSAMPA kahapon si Philippine Airlines (PAL) Chairman Lucio Tan ng P100 milyong libel suit laban sa Airline Pilots Association of the Philippines (ALPAP), sa spokesman nito, sa Philippine Daily Inquirer at sa isang reporter dahil sa umano’y paninira sa kanyang pangalan at reputasyon bilang isang prominenteng negosyante.

Ang reklamo bunga ng paglalathala sa nabanggit na pahayagan ng isang balita kung saan sinasabing kumita ang mga kumpanya ni Tan ng P25 milyon habang nalulugi ang PAL. Mayroon ding lumabas na editorial cartoon ng araw na iyon kung saan ipinapakitang sinasadya umano ni Tan ang pagbasak at pagsasara ng flag carrier habang kumikita naman sa mga negosyong kunektado pa rin sa PAL.

Ang pinanggalingan ng balita ay isang panayam kay ALPAP spokesperson Florencio Umali na kasama rin sa mga nakademanda.

Sa nasabing panayam, inakusahan ni Umali si Tan ng pagkita ng P3.93 bilyong komisyon mula sa 12 aircraft leasing firms nito sa Japan at Hongkong.

Sa reklamong isinampa ng abogado ni Tan, sinabi ng PAL Chairman na ang mga akusasyon ni Umali ay lubha umanong nakasisira ng kanyang reputasyon.

No comments:

Post a Comment