Monday, September 21, 1998

Popoy: Estrada, Maka-Lucio Tan

Kabayan
Monday, September 21, 1998
PAMBANSA

TINULIGSA ng pinuno ng Buklurang Manggagawang Filipino (BMP) na si Popoy Lagman si Pangulong Estrada dahil sa diumano'y pagpanig nito kay Lucio Tan, ang may-ari ng Philippine Airlines (PAL).

Ayon kay Lagman, hindi pagpapakita nang pagkampi sa mahirap ang nagiging aksyon ngayon ng Pangulo kundi isang imahe ng pagkalaban at pagtuligsa sa mga manggagawa ng naturang paliparan.            

“It is now obvious, that the President who prides calling himself 'Para sa  Mahirap' is faulting the unions, and despite his denials, siding with Lucio Tan," mariing pahayag ng BMP chairman.

Sinabi pa ni Lagman na tinuturuan lamang umano ng Pangulo ang PAL Employees’ Association (PALEA) na gumawa ng ilegal na hakbang at labagin ang Konstitusyon na malinaw na nagpapakita na isang pamba-black mail lamang.

"By officially endorsing Lucio Tan's blackmail of rights-for-jobs, instead of the "middle ground" proposal of the union, he is in fact endorsing not only something illegal and unconstitutional. If the precondition for workers to keep their jobs, earn their living and feed their families," paliwanag ni Lagman.

Idinagdag pa ng lider na ang reaksyon ni Estrada hinggil sa isyu ng PAL ay nangangahulugan na walang pagpapahalaga ito sa tunay na kalagayan at karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Nauna rito, nagalit si Popoy Lagman sa sinabi ni Pangulong Estrada sa isang interbyu sa kanya ng DZRH na dumidirekta sa mga miyembro ng PALEA: "Can you eat your CBA?", at "What's a CBA for if the company has closed down?" ayon naman sa inilathala ng Inquirer.

Alinsunod sa naging reaksyon ng Pangulo, malinaw na ipinahayag ni Lagman na mas mabuti pa umanong mamatay sa gutom na may prinsipyo ang mga manggagawa ng PAL kaysa mamasukan na parang alipin ni Lucio Tan.

"Mr. President, eat the carcass of PAL. Workers conscious of their rights will rather die in hunger for their principles than work as slaves for the likes of Lucio Tan. And yes, Mr. President, workers eat their CBAs," matapang na pahayag ng BMP leader.

Matatandaan na muling sumiklab ang gulo sa pagitan ng management ng PAL at PALEA nang alukin ni Tan ang huli ng share of stocks ng PAL subalit tinanggihan ng unyon ang alok ni Tan dahil sa pagkakawala ng collective bargaining agreement (CBA) ng mga empleyado.

Bunsod nito, nagdesisyon ang management ng PAL na tuluyan ng isara ang naturang paliparan sa darating na Setyembre 23 dahil sa malabo na umano na magkaroon pa ng unawaan sa pagitan ng dalawang panig.

Samantala, ang naturang pahayag at pagkampi umano ni Pangulong Estrada ay nagpapahiwatig nang "holocaust of unionism" na hudyat sa mga kapitalista na gamitin ang "hardball tactics" na ginawa ni Tan sa kanyang mga empleyado,
"The statement of the President is signifying to all capitalists to use Lucio Tan's hardball tactics to force the workers into submission by surrendering their basic trade union rights in exchange for their means of subsistence," sabi pa ni Lagman.
Gayunpaman, nanawagan si Popoy Lagman sa lahat ng miyembro ng media na pag-aralan at tingnan nang mabuti ang puno’t dulo ng isyu hinggil sa PAL.

"We ask mass media, who prides calling itself as the last bastion of democracy, to take a deeper look into the bottomline and ramifications of this PAL dispute not only to labor in general but to the basic issues of freedom and democracy," pagtatapos ni Lagman.

No comments:

Post a Comment