Diario Uno
Tuesday, September 22, 1998
INIHAYAG ng Philippine Airlines (PAL) na itutuloy ng kompanya ang pagbibigay ng groundhandling services sa lahat ng dayuhang airlines sakaling matuloy ang pagsasara bukas.
Sinabi kahapon ni Felipe "Bong" Valencia Jr., Senior Vice President ng Airport Service Department ng PAL na mabibigyan ng magandang serbisyo ang lahat ng dayuhang airlines na gumagamit ng NAIA at Manila Domestic Airport.
Aniya, kahit tuluyan nang isinara ng PAL ang operasyon nito, magpapatuloy ang kompanya na magbigay ng serbisyong groundhandling sa 21 dayuhang airlines na gumagamit ng runway no. 1331 at 06-24.
Ayon kay Valencia,nakipagpulong ang management sa lahat ng station manager ng dayuhang airlines sa bansa upang ibigay ang naturang serbisyo.
Kabilang sa bibigyan ng serbisyo ng PAL ang Japan Airlines, China Airlines, Korean Airlines, Kuwait Airways, Air Guinea, Malaysian Airlines, Thai Airways, China Airlines, Swiss Air, Egypt Airways, Northwest Airlines at iba pa.
Sinabi pa ni Valencia, hindi lamang groundhandling kundi catering services na pag-uusapan kahit isinarado na ang PAL.
"Hindi kami titigil sa ganitong gawain (serbisyo) hangga't kaya namin ay pagkakalooban pa rin namin sila ng pasaherong dumarating sa ating bansa,” aniya. C. Carlos
No comments:
Post a Comment