Metro Ngayon
Tuesday, September 22, 1998
By JOY CANTOS, LILIA TOLENTINO at DORIS FRANCHE
Inerekomenda kahapon ni Defense Secretary Orlando Mercado kay Pangulong Joseph Erap Estrada na payagan ang Philippine Air Force na akuin ang mga pinaka-importanteng tungkulin ng Philippine Airlines upang hindi madiskaril ang operasyon at kalakaran ng ekonomiya sa bansa.
Ang kahilingan ay ginawa ni Mercado kasabay ng paggunita sa ika-26 taong anbersaryo ng Martial Law.
Sa isang press briefing kahapon sa Camp. Aguinaldo, sinabi al Mercado na ang nasabing hakbang ay hindi nangangahulugan na isinasailalim ng gobeyerno sa kontrol nito ang operasyon ng PAL manapa’y bilang emergency measures kaugnay ng nakatakdang pagsasara ng kumpanya bukas (Setyembre 23).
Ipinaliwanag ni Mercado na nahaharap sa malaking suliranin ang bansa sa pagsasara ng PAL kaya't dapat na kumilos ang PAF bilang tugon sa naturang 'emergency situation'.
Tinukoy ni Mercado na kabilang sa panibagong tungkulin gagampanan ng ilang mga opisyal at tauhan ng PAF ay ang pagdedeliver ng mga sulat, pagbibiyahe ng mga iba't-ibang currency ng Central Bank missionary service at iba pang mahahalagang tungkulin ng PAL.
Muli namang hiniling ni Pangulong Estrada sa pamunuan at empleyado ng PAL na gumawa ng panghuling pagsisikap para mapigil ang nahatakdang pagsasara ng operasyon ng PALmula sa Setyembre 23.
Sinabi ng Pangulo na ang nalalabi na lang na pag-asa para maisalba ang kompanya ay ang pagkakaroon ng kasunduan ng manggagawa at pamunuan ng PAL dahil ang gobyerno ay walang pondo para sumagot sa naluluging kompanya.
Ayon sa Pangulo, ang pagsasara ng PAL ay hindi lang nangangahulugan na maaapektuhan ang mga industrlya kundi lahat nagmamamayan sa buong bansa na gumagamit ng eroplano.
Naniniktuhod akong nakikiusap sa kanila, isipin nilang mabuti na magkasundo na ang management at manggagawa.' pangulong Estrada.
Sinabi ng Pangulo na para magkaroon ng isang kumpirmisong kasunduan ang magkabilang panig, kailangang isipin nila ang kapakanan ng mas nakararami at hindi pangsariling interes lamang.
Sa panig ni Transportation Secretary Vicente Rivera sinabi nitong kinausap na niya ang mga piloto at ipinabatid sa kanila na hindi napapanahon ngayon ang pagwewelga at dapat magkaroon ng isang kasunduan at magbigayan.
May nakahandang mga hakbang ang pamahalaan sakali't hindi magkasundo ang pangasiwaan at kawani ng PAL para hindi maantala ang pagpapadala ng sulat at iba pang komunikasyon sa koreo na inihahatid ng PAL.
Ayon kay Presidential Spokesman Jerry Barican, handang ipagamit ng PAF ang mga eroplano nito para magserbisyosa mga rutang pinaglilingkuran ng PAL para maghatid ng sulat at iba pang mahahalagang dokumentong pinansiyal bagaman ito ay pansamantala lang.
Dapat na umanong gamitin ni Estrada ang kanyang constitutional power at pansamantalang isailalim sa gobyerno ang operasyon ng PAL.
Ayon kay Sen. Kit Tatad, ang agarang desisyon ng PAL na isara ang operasyon nito ay lalo lamang makaaapekto sa ekonomiya ng bansa kung kaya't kailangan na rin ng Pangulong Estrada na gamitin ang kanyang emergency powers.
Sinabi ni Tatad na kailangan ding isalba ng Pangulo ang pambansang interest ng bansa bagama't malaking problema ito sa pamahalaan.
Iginiit ni Tatad na kailangan na ring kumilos ng mga economic advisers ng Pangulong Estrada upang huwag mawala ng tuluyan ang flag carriers ng bansa.
No comments:
Post a Comment