Saturday, December 26, 1998

Para sa pagligtas sa PAL; Negosasyon sa 2 airline, tuloy

Kabayan
Saturday, December 26, 1998
William Depasupil

Tuloy pa rin ang magkahiwilay na pakikipagnegosasyon ng Cathay Pacific Airlines at ng Northwest Airlines kaugnay ng paghawak sa naghihingalong Philippine Airlines (PAL) para sa posibleng pagbili ng malaking bahagi nito, ayon kay Executive Secretary Ronaldo Zamora.

Sinabi ni Zamora sa isang panayam sa radyo, na bukod sa Cathay at Northwest mayroon pang ibang kompanya, gaya ng Singapore Airlines, na nagpahayag ng kanilang interest na maging kabahagi ng PAL.

Ngunit sinabi mismo ni Zamora ililihim muna ito sa publiko, upang hindi magkagulo. "Ang katotohanin, tuloy pa rin ang discussion, kaya lang para ‘di lang maguluhan, ‘di nila ginagawang public. They're talking. Tuloy pa yun, especially Cathay,” anang kalihim.

lsa sa mga nababalitang lihim na nakikipag-usap sa PAL ang Metro Pacific Holdings, ising kompanyang nakabili si Fort Bonifacio at sa Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT).

Ngunit sinabi ni Zamora as hindi siya sigurado kung makakaya pa ng Metro Pacific Holdings dahil sobra-sobra na ang salaping lumabas sa nasabing kompanya ng bilhin nito ang PLDT.

“Ewan ko kung kaya pa no'n. Mabigat na yung ginawa nila do’n sa PLDT. That is already too much. It is enough, palagay ko,” paliwanag pa ni Zamora.

Kaugnay nito, sinabi din ng kalihim na handang tumulong sa PAL ang pamahalaang Estrada sa pamamagitan ng mga government financial institutions (GFIs) kung sakali wala itong makukuhang "strategic partner” na makatutulong sa rehabilitasyon ng kompanya.

"Natatandaan mo na several months before, sinabi ni Pangulong Estrada, if it is under special term, it’s necessity to tide the airline through this particular rough period. Syempre handa rin ang  GFI’s”, pahayag ni Zamora.

Ngunit binigyang-diin ni Zamora na ang pagpasok ng GFIs ay hindi nangangahulugang hahawakan na ng pamahalaan ang operasyon ng PAL.

“Ibang option muna. The government will always be prepared to help out but not to take over PAL, that is clearly out of question,” sabi ni Zamora.@

No comments:

Post a Comment