Saturday, December 5, 1998

Lilipad Kami sa Sariling Pakpak – PAL

Taliba
Saturday, December 5, 1998

DETERMINADONG manatiling lumipad sa sariling pakpak ang Philippine Airlines.

Ibinunyag to kahapon ni Executive Secretary Ro­naldo Zamora at idinagdag na ang flag carrier ng bansa ay nagpapatupad ng “stand-alone rehabilitation plan” bilang fallback measure.

Sinabi ni Zamora na dapat pangalagaan ng PAL ang puhunan ng mga lokal na imbestor at patuloy din umarto nilang pag-araIan ang posibilidad na pag-alok ng credit lines ng ilang government financial institution.
“Malakas ang loob ni­lang sapat ang pera nila para gamitin sa paglipad ng PAL,” sabi ni Zamora.

Sinabi pa ni Zamora na kaya ng PAL management ang rehabilitation plan dahil hindi man lamang to humingi ng palugit sa De­cember 7 deadline kung saan magsusumite pa sila ng alternative plan sa mga creditors.

Positibo rin umano ang Malacañang na makakaya ng PAL na lumipad nang sarili dahil simula noong nakaraang buwan, ito umano ay nakalilipad nang walang tulong mula sa dayuhang imbestor.

Ang negosasyon sa posibleng pag-iisa ng PAL at Cathay Pacific ay nauwi sa wala nang hindi magkasundo kung sino ang babalikat sa kompanya at sa ilang sinibak na kawani. May P6 bilyon ang kakailanganin ng PAL bago ito makabangon.

Nauna nang sinabi ni Pangulo na gagawin niya ang lahat ng makakaya para mapag-isa ang Cathay at PAL upang lubos nang malutas ang anumang hidwaang hindi nalutas ng dalawang panig. Tess Bedico

No comments:

Post a Comment