Saturday, December 5, 1998

Gobyerno, Sasaluhin ang PAL

Kabayan
Sabado, Disyembre 5, 1998

AAYUDAHAN ng gobyerno ang Philippine Airlines (PAL) sa pamamagitan ng mga government financial institution (GFI) kung sakaling walang banyagang mamumuhunan na magkainteres magpasok ng kapital para sa rehabilitasyon ng flag carrier ng bansa.

Sinabi ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na ang pagpasok ng pamahalaan sa PAL ay isang hakbang na makabubuti hindi lamang para sa interes ng mga manlalakbay at para mapro­tektahan ng gobyerno ang natiti­rang investment nito sa PAL.

“If there are no foreign investors, I think it is also to the interest of the government not just to protect the flying public but also to protect its own investment in PAL, to help out in this investment,” ani Zamora.

Pinaalala ni Zamora na ang plano ay seryoso nang pinag-­iisipan noon pa man ng Pangulong Estrada.

Ayon sa kanya, wala siyang nakikitang hadlang sa pagpapautang ng mga GFI sa PAL basta’t ang nasabing kompanya ng eroplano ay may sapat na “collateral” sa halagang uutangin.

Sinabi rin ni Zamora, ang katatagang ipinakita ng PAL sa loob ng ilang buwang operasyon nito na walang ayuda mula sa ibang mga mamumuhunan.

“Very clearly in the last few months, PAL has been flying without any foreign investors. Which is why the credibility of a Tan loan, rehabilitation and investment plan may in fact be worthwhile considering,” paliwa­nag ni Zamora.

Sinabi pa niya na ang Pangulo ay nanatiling matatag sa kanyang paniniwala na nanatiling bukas ang pintuan ng Cathay Pacific para sa isang negosasyon sa PAL.

“In fact, he (Estrada) thinks that all of these is just a whole lot of stress in a negotiation like this," ani Zamora.

Ipinaliwanag rin ni Zamora na ang isang negosasyon ay may antas nang tinatawag na “give and take” at sa kaso ng PAL, anya, mukhang lumalabas na, "There is not enough ‘give’ on the part of the foreign investors,” kung kaya’t pinag-iisipan nito ang paghimok sa mga lokal na mamumuhunan.

Ngunit, ang binitiwang salita ni Zamora ay taliwas sa mga naging pahayag ng Pangulo noong kamaka­Iawa lamang.

Sa isang panayam na ginagawa ng mga mamamahayag sa kanyang bahay sa Greenhills noong Miyer­kules, mariing sinabi ng Pangulo na hindi maaaring tumulong ang gobyerno sa rehabilitasyon ng PAL dahil ito ay walang sapat na salapi.

“No, the government has no money, the government will not guarantee any private firm or any kind of…,” anang Pangulo.

Binanggit rin ng Pangulo na may sulat sa kanya ang Cathay na nagpapahayag na bukas ang pinto nito sa isang negosasyon sa PAL. William B. Depasupil

No comments:

Post a Comment