Balita
Thursday, December 24, 1998
Kawalang serbisyo umano sa riding public, particular na sa mga balikbayan at Overseas Contract Workers (OCWs) ang pagtanggi ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa aplikasyon ng iba’t ibang foreign airlines bilang karagdagang sector tulad ng Manila-Singapore; Manila-Saudi Arabia; Manila-Japan.
Ito ang tanging panahon ng taon na ang ating mga kababayan ay may pagkakataong makapiling ang kanilang mahal sa buhay at dahil sa pagiging makasarili ng iilan ay aalisan sila ng karapatan sa ganitong uri ng oportunidad ayon kay Mila Alora.
Isipin na lamang umano natin ang mga dolyar na dala nila. Ang dolyar na nakatutulong upang makaahon ang ekonomiya na pinababagsak ng pangkasalukuyang krisis sa Asya.
Waring may piring ang CAB sa usaping ito upang maprotektahan ang interes ng isang airline, ang Philippine Airline (PAL), at winalang bahala ang interes ng lahat ng mananakay na publiko. – Noemi de Leon
No comments:
Post a Comment