Balita
Friday, December 4, 1998
Joe Palmiery
‘Wag n’yo akong arestuhin!
Ganito ang tila pakiusap kahapon ni business tycoon Lucio Tan nang hilingin niya sa husgado na huwag nang mag-isyu ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng siyam na tax evasion charges na iniharap sa Department of Justice.
Si Tan ay sinasabing isa sa pinakamayayamang nilalang sa bansa.
Batay sa charges, si Tan ay inaakusahan ng korte kaugnay ng sampung kompanya, kabilang ang Fortune Tobacco Corporation, na umano’y umiwas sa pagbabayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan. Ang liabilities ay umaabot sa P26.6 bilyon.
Nahaharap siya ngayon sa dalawang taong pagka-bilanggo gayundin ng tuwirang pagbabayad ng nasabing halaga.
Alam ng marami na ang business tycoon ay sangkot sa halos malalaking negosyo sa Pilipinas, kabilang ang brewing at pagbabangko. Siya ang chairman at punong stockholder ng namimiligro nang Philippine Airlines.
Sa isang mosyon ng iniharap sa Marikina Trial Court, sinabi ni dating Justice Minister Estelito Mendoza na ang charges laban kay Tan ay hindi ibinatay sa mga ebidensiya at sinabing ang mga ito “ay pulos mga alegasyon lang.”
Idinagdag ni Mendoza na ang tax evasion charges ay iniharap sa korte nang walang approval ng pinuno ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na isang bagay na kailangan sa conviction ni Tan.
Magugunitang inakusahan na si Tan ng BIR noong 1993, ngunit ang kaso ay hindi nagprogreso sapagkat ang business tycoon ay naghain ng serye ng apela na humantong pa hanggang sa Korte Suprema. Bunga nito, ang charges laban sa kanya ay sinuspinde sa rasong ang mga reklamo ay masusing iimbestigahan pa ng High Court.
No comments:
Post a Comment