Diario Uno
Friday, December 4, 1998
Benny Antiporda
Hinimok kahapon ni Sen. Ramon Magsaysay, Jr. ang pamahalaan na tulungan ang Philippine Airlines sa paghahanap ng mga multinational firms na interesadong tumulong sa rehabilitasyon nito.
Ayon kay Magsaysay, chairman ng Senate Committee on Trade and Commerce, bagaman umurong and Cathay Pacific sa inaasahang pagpasok nito sa PAL, kinakailangan lamang na gawan ng paraan ng pamahalaan na maitaguyod ang flag carrier ng bansa.
“We need a national flag carrier and we must keep PAL flying,” anang senador.
Dito’y idiniin din ni Magsaysay ang posibilidad na papasukin ng ilang non-airline firms ang negosasyon upang maisalba ang pinangangambahang muling pagsiklab ng krisis sa PAL.
“The government must explore all possibilities including the entry of non-airline firms to help in keeping the national flag carrier alive.”
Samantala, naalarma naman si Sen. John Osmeña sa magiging epekto na naman sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa na ayon sa kanya ay nabalik na naman sa dating sitwasyon ang kalagayan ng minsan nang tumagilid na kompanya.“It’s back to square one again,” aniya.
Sa ganitong pangyayari, pinangangambahang maaaring ito na ang huling maligayang pasko ng mga empleyado ng PAL sakaling hindi na ito magawan ng paraan ng pamahalaan at tuluyan nang bumagsak ang nasabing kompanya.
No comments:
Post a Comment