Kabayan
Friday, September 11, 1998
By Friedrich R. Varela
Nagdesisyon na si billionaire Lucio Tan na tuluyan ng isara ang Philippine Airlines Inc. (PAL).
Ayon sa mapagkakatiwalaang sources, sinabi ni Tan na isasara na lamang niya ang kumpanya kung hindi papayag ang mga empleyado ng naturang airline na maging shareholder ng PAL.
Ibig di umano ni Tan na magkaroon ng mga share ang lahat ng empleyado ng naturang kumpanya na ang kapalit ay ang pagkakatanggal ng iba’t ibang mga benepisyo at salary increase na tatanggapin ng mga ito.
Ayon kay Tan, ito na lamang ang natitirang paraan upang ituloy niya ang pamamalakad at operasyon ng naturang airline.
Sa isang “marathon meeting” ng PAL board (na tuloy pa habang sinusulat ang ulat na ito) kahapon, sinabi ng sources na malaki ang posibilidad na i-anunsyo na ang pagsasara ng PAL sa mga susunod na mga araw kung walang mangyayari sa negosasyon sa bahagi ng PAL management at unions.
Ang dahilan di-umano ay hindi na kakayanin ng PAL ang patuloy na problema nitong pang-pinansyal.
Ang kamakailang strike na isinagawa ng mga unyon ng PAL ay humantong sa grabeng pagkalugi sa operasyon ng PAL at nagsilbing "final straw" para magdesisyon si Tan na isara na lamang ang kompanya.
Sa nakaraang apat na taon, ang PAL ay nakalikom ng mahigit sa P6.8 bilyon na pagkalugi: P451.3 milyon para sa 1993-94; P1.7 bilyon noong 1994-95; P2.I bilyon noong 1995-96 at P2.5 bilyon para sa 1996-97.
Samantala, ang ALPAP strike na naganap noong June 5, ay tuluyang sumira sa pang-pinansyal na katayuan nito.
Ang nasabing strike ay nagpalugi sa PAL ng P150-P200 rnilyon bawat isang araw (kulang-kulang na P1 bilyon simula June 1-10).
Ang halagang ito ay hiwalav pa sa P8.08 bilyon na pagkalugi—ang pinakamalaki sa kasaysayan ng PAL—sa fiscal year na nagtatapos sa March 31, 1998.
Tinatantya din ng PAL management na umaabot na sa mahigit P15 bilyon ang kabuuang pagkalugi ni Tan sa PAL.
Ayon sa management, kinakailangang magbawas ng mga empleyado ang PAL para mailigtas ang natitirang mga empleyado nito.
Sa mga nagdaang buwan, umaabot na sa 4,000 na empleyado ang natanggal at mahigit na 1,000 flight attendant ang nawalan ng trabaho.
Ayon sa mga aviation analyst, ang kabuuang 13,000 workforce ng PAL, bago mag-streamline ay "overbloated" at hindi ayon para sa maayos na operasyon ng naturang airline.
No comments:
Post a Comment