Saturday, September 12, 1998

‘Imminent closure’ naiwasan ng PAL

Kabayan
Saturday, September 12, 1998

Nailigtas ang Philippine Airlines Inc. (PAL) sa siguradong pagsasara makaraang nagkasundo ang management nito at ang PAL Employees Association (PALEA).

Isang tinaguriang "landmark" deal sa kasaysayan ng labor relations ng Pilipinas sa pangunguna ni PAL Chairman Lucio Tan ang nagbigay ng panibagong buhay sa flag carrier ng bansa.

Nagkasundo ang dalawang panig na magsakripisyo upang magarantyahan ang pagpapatuloy ng operasyon ng airline.

Sa nasabing kasunduang nabuo makaraan ang isang last-ditch negotiation effort, pumayag si Tan na ilipat ang 30 porsyento ng kanyang PAL shares (katumbas nang 20 porsyento ng PAL equity) sa kontrol ng mga empleyado kasama ng tatlong board seats para sa union representatives.

Bilang kapalit nito, pumayag ang PALEA na isuspinde ang Collective Bargaining Agreement (CBA) -- isang hakbang na nagbigay daan para maging matagumpay ang negosasayon ng dalawang panig.

Ang CBA issue ay naging isang malaking hadlang para sa implementasyon ng rehabilitation plan ng PAL.
Matapos ang mahabang deliberasyon, nagkasundo ang dalawang panig na magkaroon na ng isang long-term industrial peace sa PAL.

Kasama sa napagkasunduan ang isang kakaibang stock transfer scheme na nagsasaad na bawat empleyado ng PAL ay makakukuha ng 60,000 shares of stock mula sa grupo Tan.

Sa ganitong kalagayan, ang PALEA, ang pinakamalaking unyon ng nasabing airline, ay magkakaroon ng representation sa 13-man board ng naturang kompanya.

Tatlong board seats ang inireserba ng management para sa labor nominees, samantalang patuloy na kikilalanin ng PAL management ang iba pang unyon ng nasabing airline.

Ang nasabing alok ni Tan, ay nagbigay-daan para sa mga empleyado ng PAL upang magkaroon ng "personal stake" sa naturang kompanya at magkaroon ng direktang partisipasyon sa mga susunod na desisyon para maibalik ang PAL sa dati nitong kondisyon pampinasyal. Sinabi ng PAL na ang CBA moratorium ay isang mahalagang kondisyon na hinihingi ng mga PAL creditor.

Ayon sa mga creditor, ito ay kailangan upang magkaroon ng isang long-term industrial peace sa naturang kompanya.

Idinagdag pa ng PAL na napakaimportanteng papel ang ginampanan nina Renato Constantino Jr. at business executive Norberto O. Chingcuanco sa nasabing negosasyon ng dalawang panig.

Ang presidential task force para sa rehabilitasyon ng PAL, na pinangungunahan ni Finance Secretary Edgardo Espiritu, ay nakatulong sa pagliligtas sa naturang airline.@

No comments:

Post a Comment