Balita
Thursday, October 31, 1996
Ipinahayag kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kanilang diringgin ang usaping inihain ng unyon ng Philippine Airlines (PAL) laban sa pangasiwaan ng nabanggit na korporasyon na nagsasabing tahasang lumalabag ang pangasiwaan ng PAL sa mga batas sa paggawa at marapat na makasuhan ang mga ito ng "contempt."
Ayon sa pahayag ni Labor Undersecretary Jose EspaƱol, nabatid na ang pagdinig sa usapin ay gagawin sa Martes, Nobyembre 5 at tiniyak na ang magkabilang panig, ang PAL Employees' Union (PALEA) at ang pangasiwaan ng korporasyon ay bibigyan ng sapat na pagkakataon na ibigay ang kanilang mga posisyon hinggil sa sigalot.
Bukod sa "contempt," inaakusahan din ng PALEA ang pangasiwaan ng PAL sa pagsasagawa ng hindi pantay na pakikitungo sa kanila at pagtatangkang lansagin ang unyon.
Ayon sa PALEA, ang ginawa ng pangasiwaan ng PAL, sa pangunguna ni Antonio Garcia, Tagapangulo ng Korporasyon, na pag-aalok sa mga kawani na bumili ng sosyo sa PAL ay isang tiyakang paglabag sa umiiral na batas sapagkat ang panukala ay inihain hindi sa PALEA kundi sa mga kawani. (M. Evangelista)
No comments:
Post a Comment