Monday, September 20, 1999

GSIS, RSBS, Malulugi sa Pagsasara ng PAL

Kabayan
Sunday, September 20, 1999
By Divine De Guzman

KASAMA ang apat na Government Financial Institution (GFI) at Armed Forces of the Philippines-Retirement and Separation Benefits System (APP-RSBS) sa maaapektuhan ng pagsasara ng Philippine Airlines (PAL) sa Huwebes, ayon sa isang mambabatas.

Ayon kay Senador Gregorio Honasan, maging ang Government Service Insurance System (GSIS), Land Bank of the Philippines (landbank), Philippine National Bank (PNB) at Development Bank of the Philippines (DBP) ay kabilang sa maaapektuhan ng nasabing pagsasara.

Anya, ang GSIS ay mayroong shares of stock sa PAL na umaabot sa 150 million shares, samantalang ang Landbank na ay may 75 million shares. Ang PNB ay may-ari ng 50 million shares at 49 million shares ay ang pag-aari ng DBP.

Ang RSBS ay mayroong P500 milyong halaga ng investment sa nasabing airline.

"Ang pagsasara ng PAL ay hindi lamang dagdag na pahirap sa ating naghihikahos na ekonomiya dahil sa pagkawala ng trahaho ng may 9,000 empleyado nito kundi maging sa may limang institusyon ng pamahalaan na maaapektuhan din nito," ani Honasan:

Sinabi ni Senador Rodolfo Biazon na malulugi ang may P500 milyon dahil sa pangyayari.

Ang pagsasara ng PAL ay kaugnay na rin sa pagbawi ng unyon sa unang napagkasunduan nila ng management kung saan pumirma ang may 21-kataong board of directors ng PAL Employees’ Association (PALEA) sa isang compromise agreement na magbibigay sana sa kanila ng 20 porsyento ng shares of stock ng airlines.

No comments:

Post a Comment