Kabayan
September 2, 1998
Business
NAGSAGAWA ang National Bureau of Investigation ng isang imbestigasyon sa paumpisa pa lamang na Filipino-Japanese cargo airline para sa posibleng violation ng Anti-Dummy Law (Presidential Decree 715).
Ang mga imbitado para sa pagtatanong bago ang Anti-Fraud and Computer Crimes Division ng NBI ay sina Panfilo V. Villaruel Jr. at Leopoldo S. Acot, president at chairman, alinsunod, ng CLA Air Transport, Inc., isang bagong naorganisang Filipino “flag carrier” suspetyang pangharap lamang ito sa mga sariling interes ng Japan.
Nagmula ang imbestigasyon ng NBI mula sa reklamong isinampa ng Philippine Airlines laban kay Villaruel at Acot sa pakikipagsabwatan sa mga Japanese investor na maglagay ng isang dummy company (CLA) na kung saan lumampas ang foreign ownership ratio na hiling sa Konstitusyon para sa mga public utility.
Nagsampa ang PAL ng mga akusang grave misconduct at abuse of authority ng Opisina ng Ombudsman laban sa Transportation undersecretary Josefina T. Lichauco at dating Civil Aeronautics Board executive director Silvestre M. Pascual para sa paghirang ng CLA bilang opisyal na Philippine flag carrier sa kabila ng kahinahinalang ownership structure nito.
Nangangailangan ang Seksyon 11 ng Artikulo XII ng Konstitusyon ng public utility operators ng mga 60% pag-aari ng mga Pilipino.
Sa hindi pagpansin sa mga kahilingan ng Konstitusyon, naaprubahan ng CAB, na dating pinamumunuan ni Lichauco, noong Marso 9, 1998 ang pahintulot ng isang temporary operating permit sa CLA. Ang nakakapandilat pa nito, itinalaga ito bilang Philippine flag carrier na nagpapalakad sa mga nakaschedule na cargo sa Japan.
Ayon sa kanyang dokumento na isinampa sa Securities and Exchange Commission, malapit na sa 49% ang pag-aari ng IASS Company Ltd ang CLA, na may balanse na ginawa ng mga lokal na kumpanya ang Philippine Aerospace Development Corp. (PADC) at International Business Aviation Services Philippines, Inc. (IBAS). Sina Villaruel at Acot ang namumuno sa PADC at IBAS, alinsunod.
No comments:
Post a Comment