Tuesday, September 1, 1998

Modernong jet aircraft, ibibiyahe ng PAL sa Nob.

Kabayan
Tuesday, September 1, 1998

Sisimulan ng Philippine Airlines na ibiyahe simula sa Nobyembre ang mga modernong jet aircraft sa kanilang domestic at international operations.
Ang hakbang na ito ay makapagbibigay sa airline ng pangunahing de kalidad na serbisyo at la long magiging epektibo ang kanilang operasyon.
Sa isang planong rehabilitasyon dahil sa pagsunod sa Securities & Exchange Commission (SEC) sa susunod na buwan, isang malaking fleet restructuring ang gagawing hakbang ng PAL upang makabawi sa kanilang pinansiyal na sitwasyon.
Ang refleeting program ng PAL na naputol dahil sa krisis sa pananalapi na sumalanta sa Asya, ang PAL ay naiwanan ng maliit na fleet na 54 aircraft na kumbinasyon ng brand-new state-of-the-art jets mula Boeing Co. at Airbus industries sa mas lumang mga modelo.
Ang rehab plan ay para sa mas kaunti pero ultra-modern fleet ng inisyal na 21 hanggang 25 aircraft.
Kasabay nito, ireretiro ng PAL ang kanilang natitirang Fokker 50 turboprop aircraft mula sa domestic operations, partikular na sa hindi kumikitang "missionary routes."
Bunga ng gagawing paggamit ng modernong mga eroplano at pagbabawas sa hindi kumikitang domestic operations, inaasahan na makakaahon ang PAL mula sa mahinang ekonomiya sa rehiyon at mabilis na makabawi mula sa pinansiyal na problema.
Kasabay nito, ang mga makabagong bagay na magiging pangkaraniwan na bayad sa anumang mga flights nito, domestic o international, ay inaasahang makapag-aangat sa serbisyo ng PAL.
Ang indikasyon dito ay ang impresibong 86.28% average on-time performance (OTP) noong Hulyo sa domestic at international operations. Sa huling fiscal year sa pagtatapos noong Marso 3 1, ang PAL ay nakakuha lamang ng mababang 65% OTP.
Higit dito, ang ginhawa at kasiyahan at sa maraming mga pangunahing safety features na ibinibigay ng bagong PAL fleet na pinakabago at modernang industriya ay nananatiling hindi pa napapantayan ng alinmang ibang local commercial carrier sa kasalukuyan.@

No comments:

Post a Comment