Abante
September 3, 1998
News
Iniakyat kahapon ng Airline Pilots Association of the Philippines (ALPAP) sa Korte Suprema ang kanilang problema sa pagitan ng Philippine Airlines (PAL) matapos pabayaan ng National Labor Relations Commission (NLRC) ang nauna nitong petition.
Sinabi ni Capt. Florendo Umali, tagapagsalita ng ALPAP, na bago matapos ang linggong ito ay hihingin na ng samahan ang tulong ng SC na sinasabing siya nang ‘last resort’ ng organisasyon.
Ipinaliwanag ni Umali na bagama’t maaari pang komunsulta ang ALPAP kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, hindi na nila gagawin dahilan sa aabutin pa ito ng ilang buwan bago pa tuluyang maresolba.
Ang desisyon ng grupo ay kaugnay pa rin sa second notice of strike na isinumite ng ALPAP, kung saan hiniling nito sa NLRC na magpalabas ng Temporary Restraining Order sa PAL upang tigilan nito ang pagtanggap ng mga non-ALPAP members (TP).
No comments:
Post a Comment